[Flash 9 is required to listen to audio.]

Kapag Sinabi Ko Sa’yo - Gary Granada

Kapag sinabi ko sa iyo

Na ika’y minamahal
Sana’y maunawaan mo

Na ako’y isang mortal
At di ko kayang abutin

Ang mga bituin at buwan
O di kaya ay sisirin

Perlas ng karagatan

 

Kapag sinabi ko sa iyo

Na ika’y iniibig
Sana’y maunawaan mo

Na ako’y taga-daigdig
Kagaya ng karamihan

Karaniwang karanasan
Daladala kahit saan

Pang-araw-araw na pasan

 

Ako’y hindi romantiko

Sa iyo’y di ko matitiyak
Na pag ako’y kapiling mo

Kailanma’y di ka iiyak
Ang magandang hinaharap

Sikapin nating maabot
Ngunit kung di pa maganap

Sana’y huwag mong ikalungkot

 

Kapag sinabi ko sa iyo

Na ika’y sinisinta
Sana’y ibigin mo akong

Mulat ang iyong mga mata
Ang kayamanan kong dala

Ay pandama’t kamalayan
Na natutunan sa iba

Na nabighani sa bayan

 

Halina’t ating pandayin

Isang malayang daigdig
Upang doon payabungin

Isang malayang pag-ibig
Kapag sinabi ko sa iyo

Na ika’y sinusuyo
Sana’y yakapin mo ako

Kasama ang aking mundo